Quantcast
Channel: Balitang Commute – Libre
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Nalalabing bahagi ng TPLEX bubuksan na sa Hulyo 15

$
0
0

BUBUKSAN na ng Department of Public Works and Highways sa Hulyo 15 ang final segment ng 88.85 kilometrong Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar ang tinatapos na lamang ay ang 11 kilometrong Pozorrubio, Pangasinan-Rosario, La Union Section.

Kapag natapos, sinabi ni Villar na ang biyahe mula Tarlac hanggang Rosario ay magiging isang oras na lamang mula sa kasalukuyang 3.5 oras.

Ang TPLEX ay ginawa upang mapabilis ang pagbiyahe papunta at galing sa Ilocos Region at Baguio City mula sa Maynila.

Mula sa Rosario rotunda, ang mga motorista papunta ng Baguio ay maaaring dumaan sa Marcos Highway, Kennon Road o Asin Nangalisan Road.

Ang TPLEX ay mayroong siyam na tollway: La Paz sa Tarlac City, Victoria, Gerona, Paniqui at Moncada sa Tarlac; Rosales, Urdaneta City at Pozzorrubio sa Pangasinan, at Rosario sa La Union.

Ang Private Infra Dev Corporation ng San Miguel Corporation ang concessionaire ng TPLEX na nagkakahalaga ng P24 bilyon.

Ito ay idinugtong sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) at North Luzon Expressway (NLEx) na nag-uugnay sa Metro Manila sa central at northern Luzon provinces.

The post Nalalabing bahagi ng TPLEX bubuksan na sa Hulyo 15 appeared first on Libre.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Latest Images

Trending Articles





Latest Images